Mas mabilis talaga ang oil price hike kesa sa oil price rollback...
September na pala, bakit kaya di pa din sinisimulan yung paghuhukay sa pioneer woodlands?
Sobrang dami ng tao sa mrt ngayon, wala na ata nagba-bus papasok eh. Mas tipid kasi saka walang trapik.
Magaganda yung mga buses na biyaheng Fairview, parang provincial bus.
Malapit na pala magawa ang SM annex, may mga nakaabang na atang hagdan silang ginawa para sa pag extend ng MRT hanggang monumento. Sana matuloy yun.
Ngayon pala ang start ng season ng mga TV series. Gusto ko na mapanood ang House. Saka Gossip Girl. hahaha. Kasalanan mo kaya ko gusto panoorin ang Gossip Girl.
September na, lapit ka na umuwi. Magaabot naman tayo siguro bago ako makaalis if ever.
Ang dami dami nang nagko-concert sa pinas na foreign artists/bands.
Masaya magpatakbo ng mabilis sa expressway. Kaso ayaw ko pa din lumagpas ng 160kph. Baka hulihin na ako eh.
Ang laki ng difference ng price sa ministop/7-11/Select/Treats etc. kesa sa grocery. The price you pay for convenience, 20% of grocery price.
Di ako nakapanood ng Eheads concert. Maganda daw eh, kaso lang maiksi lang. Dapat daw 30 songs. Sayang.
Puro love story saka comedy na lang dapat ang mga ginagawang movies ng mga pinoy. Dapat wag na ung may CGI na kelangan. Nakakainis lang eh, low tech.
Sobrang init ng umaga kahapon, balewala yung aircon ng kotse. Nung hapon naman sobrang dilim.
30 pesos a day lang pag cadet, pamasahe lang kulang pa yun eh, tapos utusan ka pa.
$6000 allotment ng mga seaman. Hmmm... Magbarko na lang kaya ako?
Sobrang dami na ng mga kantang foreign na ni-translate sa tagalog or local dialects. Nagsawa na ata ang pinoy sa pag revive ng kanta, localization naman ang trip natin.
wa me balow (wa me balow)d i kad2 mka hillo low low low…..
Naging topic sa preaching sa church namin yung ideal man/wife. Kala ko dati ideal man na ko, yun pala di pwedeng matangkad at gwapo lang.
Yung mga sequel movies ngayon di na gumagamit ng II, III, etc. Yung second title na lang talaga ang magdi-distinguish ng movie. Hirap na tuloy malaman kung ano ung pagkakasunod sunod ng mga sequels.
Yung eheads concert dapat walang bayad yun eh, kaso daw pinigilan ng government na magsponsor ang cigarette brand.
Speaking of sponsorship, tingin ko kaya nawala ang fame ng cycling tour sa philippines dahil dun eh. Maganda pa naman yung tour.
Di na masyado mahirap sumakay ng FX samin ngayon. Usually after christmas break pa kumokonti ang pumapasok ng maaga eh.
Gusto ko yung mga songs about love pero ayaw ko ng love songs. Sa videoke ko lang kinakanta yun.
Namimiss na talaga kita.
Nakakairita yung mga lalaking gumagamit ng "u" instead of "ikaw", "mo" saka ng "me" instead of "ako", "ko". Sa babae, i can tolerate. Pero pag lalaki ganyan magtext nababadingan ako. "Hay, naiinis me sa ganun. U ba hindi?"
Makauwi na nga, para maaga makarating ng bahay. Makatulog ng mahaba