Wednesday, April 23, 2008

Conversations

Wala lang... ehehe

Kumusta? Nagparamdam ka ah.
Eto malungkot... Wala na kami eh. Di ko alam kung maaayos pa.
Ha? Bakit?
Mahirap kasi magpatawad ng paulit ulit...

Sagutin mo na siya, gusto mo naman na di ba?
Gusto ko pag sinagot ko mahal ko na.
Pano mo malalaman na mahal mo na?
Ewan ko, malalaman ko din yun...

Aalis ka daw? San ka pupunta?
Ang bilis talaga kumalat ng balita, kanino mo nalaman? Oo, aalis ako. Para makalimot.
Malimot ang ano? Kelan?
Di pa sigurado kung kelan. Basta, kelangan ko lang talaga makalimot...

Pare, mahal ko talaga siya eh. Tingin mo ba gusto nya din ako?
Eh di ba nakakasama mo naman lumabas? Pinupuntahan ka pa nga sa office di ba?
Oo nakakalabas kami, nahahawakan ko pa nga kamay niya eh.
Yun naman pala eh, may chance ka nyan! Konting tiyaga lang.
Sana nga meron...

Ano ba mga pinag-aawayan ninyo? Third party ba yan?
Hindi ko alam eh, hindi ako sigurado.
Bakit ano ba meron?
Nakita ko lang na magulo yung buhok ng babaeng kasama niya.
May point ka ngang magalit...

Hindi kita masusundo ngayon, kita na lang tayo sa mall.
Bakit? Umuulan pa ba dyan?
Hindi na kaso wala ako masakyan papunta dyan, mahihirapan ako.
Hindi pa nga tayo, nahihirapan ka na agad na sunduin ako.
Ok, sige wag na lang. Uuwi na lang ako.
Ok, nandito na ko sa mall eh...

Gising ka pa ba? Wala kasi ako makausap, pauwi pa lang ako ng bahay.
Yup, gising pa ko. San ka na niyan? Punta ka dito.
Saan 'yan? Sige. Hintay mo ko ha? Wag ka aalis. FX na ko malapit na sa'min. Saan banda yan? Uwi muna ko kunin ko lang ang auto ko.
Ok. Nandito ko sa bar. I'll wait for you.
Ok, give me 45mins to get there.
Sure, thanks. Malungkot lang talaga ako...

I love you...
Ehehe, nagbibiro ka naman eh.
Totoo, mahal kita. Eh ako ba mahal mo?
Masyado pang maaga para masabi 'yan...

Tingin mo ba itutuloy pa natin ito? Tingin mo ba it's still worth it?
I'll leave that decision sa'yo. Just think about it.
Ayaw mo na ba maayos 'to?
Pwede ba? Minsan naman ikaw ang magdesisyon. Lagi na lang ako...

Hey, kinakabahan ako. Balak ko na siya ipakilala sa parents ko.
Eh di good, pakilala mo na. Siguro kayo na noh?
Tangek, hindi noh? Kelangan ko muna ng opinion from my mom before ko isipin kung sasagutin ko.
Kunyari pa 'to. Anyway, good luck. Sana maging ok lahat...

Balita ko nanliligaw yung friend mo sa friend ko ah.
Talaga? Lakas na ng loob ah. Pero imposible kasi ang alam ko may GF un eh.
Eh bakit niya nililigawan? Naku, di maganda yan. Baka niloloko n'ya lang friend ko.
Di nya siguro gagawin un, tatanungin ko pag nagkita kami...

Pambihira naman eh, ang tagal ko na naghihintay wala pa din.
Ano ba sabi sa'yo?
Kung mahal ko daw talaga siya, maghintay ako. Eh isang taon na ko naghihintay.
Sabagay, ang tagal na nga nun. Di na ata maganda yun.

I feel so empty. Bakit ngayon pa nangyari 'to?
Bakit? Ano na ba nangyari?
Dapat dati ko pa ginawa 'to, dapat nung di ko pa iniisip future namin being together.
Ganyan talaga, dapat nating tanggapin un.
Bakit kasi kung kelan pa nagiging maayos takbo ng buhay ko saka pa nagkaganito...

Ano, sinagot mo na ba? Nakita na siya ng parents mo di ba?
Yup, nakita na. Sinagot ko na din siya. Kinakabahan nga ako nung pinakilala ko eh.
Wow! May boypren ka na. Yihee.
Tangek! Matagal ko na sinagot, nahihiya lang ako sabihin sa'yo...

Hey, kumusta ka na? Di na tayo nakakapagusap ah.
Ok lang.
Bakit parang biglang nagbago? Parang ayaw mo na ko kausapin.
...
Nandyan ka pa b?
...

So ano na? Bakit umayaw ka na?
Wala naman ako napapala eh, saka may nahanap na ko na iba.
Baka naman rebound lang yan? Kawawa naman yung babae.
Hindi, mahal ko na sya. Saka tingin ko mas bagay kame, pareho kame ng gusto.
Sana nga mahal mo talaga siya. Pano pag bumalik yung isa?
Di na babalik yun.

Hay, ganito na lang talaga siguro kami.
Bakit? For sure na ba yan?
Parang wala naman siya gusto gawin eh, parang balewala lang sa kanya.
O? Hindi naman siguro, baka nagiisip-isip lang.
Bahala na, ayaw ko na talaga umasa...

Ano kumusta na? Kumusta ang buhay may boypren?
Okay naman kame, nag monthsary na nga kame eh.
Cool! Eh di may gift kayo sa isa't-isa?
Oo, nakakatuwa nga eh, ganun pala yun noh?
Ang ano?
Yung ma-in love...

Nakakainis! Malapit na siya umalis tapos di ko alam kung bakit ayaw niya ako kausapin.
Bakit? Teka, sabi sakin ng kaibigan nya nililigawan mo daw siya ah.
Talaga? Well, balak ko pero kumukuha pa lang ako ng tiyempo.
Eh di ba may GF ka?
Matagal na kami wala nun, di ko ba nasabi sayo? Teka, sinabi mo ba yun sa kaibigan nya?
Oo, kaya sabi ko di mo liligawan yung friend nya.
Ah... kaya pala...

Hey, may tsismis ako ah.
Tungkol san? Good news ba yan?
Siguro good news, kung gusto mo pa din. Sabi niya kasi mahal ka na din daw nya.
Ngaks, san mo naman nalaman yan?
Sabi ng kaibigan nya, so ano? Liligawan mo na ba ulit siya?
Hindi na. I'd rather be with the one I have right now kesa masaktan pa ko ulit sa kanya...