Monday, November 17, 2008

Bob Ong

Pag wala ako magawa or pag tinatamad sa ginagawa ko, mahilig ako magbasa ng mga status messages and napansin ko karamihan Bob Ong quotes (or so they say) ang gamit nila. Naenganyo tuloy ako maghanap sa net ng mga ganun and here are the quotes I found.

Note: not verified as Bob Ong quotes.

“Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..”

“Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”

“Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”

“Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”

“Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”

“Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din.”

“Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”

“Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”

“Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang.”

“Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.”

“Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, FLIRT, malandi, Pa-FALL O PAASA.”

"Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.”

“Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya.”

“Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.”

“Kailangan mo rin pala ng lakas ng loob para sabihin mong mahina ka.”

“Iba ang tinititigan sa tinitingnan.Ang tinititigan, sa isang bahagi lang nakatingin.Ang tinitingnan buong bahagi ang sinusuri.Iba rin ang iniintindi sa inuunawa.Ang iniintindi, pinipilit sa isipan.Ang inuunawa alam kung bakit dapat ipilit sa isipan.Kung kaya dapat:Tinitingnan ang mga bagay para maunawaanat hindi titigan lang at intindihin.."

“Kapag pinag-aagawan ka malamang maganda o gwapo ka. Sumama ka sa mabuti, hindi sa mabait. Sa marunong hindi sa matalino. Sa mahal ka, hindi sa gusto ka.”

“walang taong manhid…hindi niya lang talaga maintindihan kung ano ang gusto mong iparating dahil ayaw mo siyang diretsuhin..”

“kahit ikaw ay parang bato na manhid at walang pakiramamdam, mag ingat-ingat ka naman, dahil kahit ganyan ka, hindi nasasaktan, kaya mo namang makasakit”

"Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa."

Hindi mo dapat maliitin ang kakayahan mong tsumamba.

“Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.”

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home