Wednesday, September 26, 2007

September

It's almost the end of September and this is just my first blog of the month? Nothing worth blogging? Nah... I'm just too busy with my work that's why. And since our due date has been extended for another 2 months, I had time to slip in this blog to my busy busy schedule. (naks, parang totoo). What should I write about? Hmmm... I can't think of anything! Just kidding.

Drive me crazy

How to be a good driver... This has been our topic at the office for quite some time now 'coz two of my officemates just bought cars and they have recently just finished their driving lessons so they're not that good yet. Everytime we go out for lunch, we force them to bring their cars so they can practice. And during the ride, we all have our opinions on how to drive "expertly". I noticed that each of us has his/her own "diskarte" when it comes to how to accelerate, when to step on the brakes, when to change gear, when to overtake, when to change lanes, so on and so forth. So, how can you be a good driver? Well, just do your thing and as long as you don't obstruct traffic and not be a pain in the ass to other drivers then you are a good driver.


Going abroad

Karamihan sa mga kakilala ko ay may mga plano na umalis ng ating bansa upang magtrabaho para makapag-ipon o dili kaya'y manirahan na ng tuluyan sa isang banyagang bayan... Bakit? Sabi nila, wala na daw pag-asang yumaman dito sa pinas. Maliit ang sweldo, madaming iskwater, malubha ang pulusyon, magulo ang pulitika at madami pang ibang negatibong bagay. Pero hindi kaya nila naiisip na baka ganun din siguro sa ibang bansa? Sabagay, hindi mo naman iyon malalaman hangga't hindi mo pa nasusubukan. Pero kung ako ang tatanungin nila kung gusto ko mag-abroad, buong pagmamalaki kong sasabihin na wala akong plano. Bakit? Unang-una, nandito ang pamilya ko, girlfriend ko saka mga kamag-anak ko. Malamang ang sasabihin sakin eh pwede ko naman silang isama dun kapag maganda na ang estado ko sa buhay. Ang tanong, magiging maganda nga ba? Kahit sabihin natin na yumaman ako doon, hindi naman ako magiging first class citizen doon kahit kailan. Isa pa, maayos naman na ang trabaho ko dito eh, at makakahanap din naman ako ng mas mataas na sweldo sa ibang kumpanya kung sa tingin ko ay di sapat ang kinikita ko ngayon. Mababa ang pangarap ko? Hindi, gusto ko din syempre yumaman, gusto ko din magkaroon ng malaking bahay at magagandang sasakyan, mapag-aral sa mga kilala at mamahaling unibersidad ang mga anak ko. Pero hindi ko nakikita na magagawa ko iyon sa ibang bansa na kasama sila, mas malaki ang posibilidad na magawa ko un ng nandito sa pinas. Ano sa tingin nyo?

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home